Kakaibang ‘Orgasm’ (3)

Foot Stimulation

?May isang babae diumano  sa Netherlands na nakakapag-orgasm kapag naglakad ng nakayapak.  Nagkaganito siya dahil sa nagkaroon siya ng matinding nerve damage na dahilan kaya hindi matukoy ng kanyang spine ang kaibahan ng  kanyang vagina at paa. Ayon sa mga doctor, marami ang may ganitong problema. Ang dahilan kung bakit hindi ito alam ng marami ay dahil nahihiya ang mga may ganitong kondis­yon kaya isinisekreto nila ito.

Exercise

?Pansinin ninyo, maraming babae ang naggi-gym? Nadiskubre ng mga scientists kamakailan na may mga babaeng nakakaranas ng orgasms sa pamamagitan ng exercise—walang direct stimulation o kahit fantasies na involve. Tinawag itong ‘coregasm’ dahil madalas na nangyayari ito sa pagsasagawa ng core abdominal muscle exercises.

Ang mga  exercises na may kinalaman sa exercise-induced orgasm ay ang mga abdominal exercises, pag-akyat sa poles o lubid, biking/spinning at weight lifting. (Source: listverse.com.) (ITUTULOY)

Show comments