Lucky Mountain Poster/Painting (2)

Mga mainam na idispley sa opisina:

Blue Mountain—Idispley sa likuran kung ang facing direction ng empleyado ay South or West. Ang blue mountain ay makakatulong din upang maging supportive sa iyo ang mga officemates at boss. Magdudulot ang painting or poster ng pag-unlad sa career at mabuting kalusugan. Hindi importante kung ilan ang bilang ng tuktok ng bundok. Kulay ang binibigyang importansiya. Mas mainam kung ang painting ay may additional na larawan ng gold upang makamtan ang wealth luck.

Green Mountain—Ididispley  sa likuran  kung ang facing direction ng empleyado ay West or Northwest. Ang green mountain ay mainam sa mga may-ari ng negosyo upang bumulusok paitaas ang sales ng kompanya. Sa isang pangkaraniwang empleyado, malaki ang tsansang tumaas ang suweldo o posisyon.

White Mountain—Ito ang ididispley sa likuran kung ang facing direction ng empleyado ay East or Southeast.

Show comments