MATAPOS ang pananghalian, namasyal sa niyugan si Miranda at ang dalagitang kapatid ni Simon.
Napansin agad ni Miranda na abot ng kuryente ang lugar nina Simon.
“Kaya naman smart ka, Myrna, kahit malayo sa Maynila. Naaabot kayo rito ng komunikasyong mula sa lunsod.”
“Oo naman, Ate Miranda. Saka wise naman akong dalagita at estudyante. Mahaba ang buhay ng mga wise.”
Naging magka-vibes agad ang dalawang babae. “Tell me more tungkol sa sarili mo, Ate Miranda.”
Saglit lang naghagilap ng topic si Miranda. “Ako’y member ng kombo,” sabi niya kay Myrna.
“Anong kombo?”
“Kombumangon, tanghali na.”
Nagkatawanan. “Ha-ha-ha. Hi-hi-hi.”
“Ikaw naman ang magkuwento, Myrna.”
Tumanaw sa malayo ang magandang kapatid ni Simon, may ningning ang mga mata.
“Na-love at first sight ako sa lalaking mayaman kahit hindi naman guwapo. Pray ako nang pray na mapansin man lang niya. Kaso lampasan ang tingin.”
Ngumiti si Miranda sa brand-new hipag. “Para ka palang The Girl from Ipanema, ha.”
MAGKAUSAP si Simon at ang nanay niya. “Inay, masyado hong masalimuot ang buhay namin ni Miranda. Hindi po kami mga santo at santa.”
Ang importante ay kung ano man kayo ngayon ng misis mo—kakampi ba o kaaway ng Diyos?”
“Matagal ko na hong isinuko sa Diyos ang destiny ko, Inay.”
“May matindi ba kayong kaaway ng misis mo, ha, anak?”
Huminga nang malalim si Simon. Naalala niya ang nag-iisang kaaway.
“Meron ho akong kaaway, Inay. Pekeng pari. Ang tawag sa kanya ng mga tao--Padre Tililing.”
SI PADRE Tililing ay tahimik na nasa itaas pa ng puno ng niyog. Ninanamnam ang pagkain ng laman ng buko at pag-inom sa katas nito.
Nakatingala pa rin sa multo ang mga aso sa niyugan. (ITUTULOY)