HANGGANG sa mag-umaga ay si ‘Padre Tililing’ ang gumugulo sa isip ni Simon. Paniniwalaan ba niyang wala nga itong layuning lituhin ang puso ni Miranda?
“Íkaw, Miranda, ano ba ang paniwala mo? Bakit nagpakita pa sa iyo ang multo ng first love mo?”
Malungkot na umiling si Miranda, hinaplos ang mukha ni Simon. “Ayoko na nga siyang isipin, Simon. Magpokus na muna tayo sa...magiging pamilya natin.”
Napatingin sa magandang misis si Simon. “Ano’ng ibig mong sabihin, Miranda?”
Ibinulong ni Miranda. “Palagay ko’y nakabuo na tayo, Simon.”
“Oh my God, hallelujah! I love you, Mir!”
“Mir?” Naaaliw si Miranda sa cute na tawag.
“Ako naman, tawagin mong Sim.”
“I love you, Sim!”
Nagyakap muli ang bagong mag-asawa. Kasunod ay nagsalo sila sa masarap na almusal.
Hot pandesal. Sinangag na hinaluan ng malasadong itlog at green peas.
“Sino ang gumagastos sa lahat nang ito, Sim? Marami-rami rin tayo dito sa survivors’ camp.”
“Tiyak na mga taong may mabubuting kalooban, Mir. Kaligayahan na nilang makatulong sa mga nangangailangan.”
Humilig sa balikat ni Simon si Miranda, may paglalambing.
“Huwag mo nang iisipin man lang si Tililing, Mir, puwede?”
Tumango si Miranda, sabay ng sumpa ng kanang kamay. “Never na talaga. Ang laman ng isip ko na lamang—sina Valerio at Cristina.”
Taka si Simon. “Valerio at..Cristina?”
Nakangiti si Miranda. “Sila ang ating magiging mga anak, Sim.”
“Puwede ring Valeria at Cristino, di ba?” sabi ni Simon.
Nagkatawanan. “Ha-ha-ha. Hi-hi-hii.”
NANG gabing iyon sa silid tulugan, dinalaw sina Miranda at Simon ng mga bungo! Nagsisigaw si Miranda. “Eeeee!” (ITUTULOY)