Herbal medicine (2)
6. BAYABAS - Panghugas sa mga sugat, hiwa o pantal. Ilagay sa kumukulong tubig ang nalinis na mga dahon nito at gawing panghugas sa sugat, hiwa o pantal ang tubig na pinagkuluan. Sinasabing madali itong makapagpapatuyo o makapagpapagaling sa sugat o hiwa.
7. BUNGA - Kalimitan ito ay ginagamit sa pampaganda sa hardin. Ang prutas nito ay nagsisilbing purga. Kung mura pa ay mabuting laksante. Ang magulang na buto nito ay makabubuti sa may diperensiya sa pag-ihi.
8. CAIMITO - Ang prutas nito ay gamot sa diyabetes. Nakapagpapaalis din ng bulati.
9. COMFREY - Ang pinaglagaan ng dahon o ugat nito ay mabuti sa tiyan at baga. Ang katas ng dahon ay mabuti sa sugat. Kung nais gumawa ng tsaa, mag lagay ng isang dahon sa apat na tasang tubig.
10. DAMONG MARIA - Panlunas sa karaniwang sakit ng tiyan. Hugasan nang malinis ang halaman (katawan at dahon) at pakuluan sa tubig. Gamiting inumin ang tubig na pinagkuluan.
Ang damong maria ay siyang ginagawang pampaligo ng mga bagong panganak upang mainitan ang katawan. Mabuti rin itong inumin sa mga sakit ng mataas ang dugo, diyabetes, sikmura. Mahusay din itong gamot sa mga peptic ulcer o sakit sa sikmura, at mga sugat sa bituka.
- Latest