Parang may humahabol pero wala naman

Panaginip: Nararamdaman ko at may bumubulong sa akin na kailangan kong tumakbo dahil may humahabol sa akin pero paglingon ko sa aking likuran, wala namang tao akong nakikita.---MRE

Interpretation: Ayon sa pamahiin, kapag may humahabol sa iyo sa panaginip, ikaw ay pinagtsi­tsismisan sa iyong waking life. Ayon naman sa interpretation ng mga psychologists, tumatakas ang dreamer sa kanyang mga problema. O, kaya ay may tao siyang kinatatakutan  at nais niyang takasan ito.

Show comments