Ang Numero ng mga Anghel (2)

Kung may hinihiling ka sa iyong guardian angel at aksidenteng may nakita ka na mga numero, narito ang ibig ng mga numerong nakita mo. Kasama rito ang oras na nakikita sa digital clock:

114 or 144 – Nagpaparamdam sa iyo ang iyong anghel na mag-wish ka ngayon din! dahil ura-urada itong matutupad. Kaya lang, mag-ingat sa hihilingin.

411 – Magtanong sa iyong anghel ng importanteng impormasyon na kailangan mong malaman.

115 or 551 – Ang mga iniisip mo ay lilikha ng mga pagbabago sa iyong buhay. Ipagpatuloy lang ang magagandang iniisip na makapagpapabuti ng iyong buhay. Baguhin ang thought pattern kung nadadama mong hindi ito makabubuti sa iyong sitwasyon.

116 or 661 – Hingin ang tulong ng mga anghel upang masolusyunan ang mga bagay na nagpapagulo ng iyong isipan sa kasalukuyan.

117 or 771 – Ito ay kumpirmasyon na ang mga ginagawa mo ay nasa tamang direksiyon. La­ging manalangin ng pasasalamat. Bumibilis ang katuparan ng wish kung magiging bukang-bibig mo ang pasasalamat sa tuwina. (Itutuloy)

             

Show comments