Horoscope Base sa Time of Birth (2)

Kung ang Birth Month mo ay March, April, May at ang time of birth mo ay:

9 AM to 11 AM—Nasa kapalaran na maging kanang kamay ng taong makapangyarihan. Ang taong ito na paglilingkuran niya ang tutulong upang maging maginhawa ang kanyang buhay. Or nasa kapalaran na ang makuha laging posisyon ay second-in-command kaysa pinuno ng isang kompanya. Magkaganoon pa man, makakamtan pa rin niya ang suwerte.

11 AM to 1 PM—Mag-uumpisang guminhawa ang buhay sa pagitan ng edad 45 to 65.

1 PM to 3 PM—same fortune as 9 AM to 11 AM.

3 PM to 5 PM—Nasa kapalaran nila ang ikasal ng dalawang beses sa magkaibang tao. Mas malaki ang porsiyento na magkatotoo sa mga babae. Ang mga lalaki naman kadalasan ay magulo ang isip at mahirap bigyan ng kasiyahan.

5 PM to 7 PM—Hindi makakaranas ng paghihirap dahil laging maganda ang kanyang hanapbuhay. Hindi naman magiging mayamang mayaman pero hindi kakapusin sa buhay sa halip ay makakaipon ng sarisaring ari-ariaan.

7 PM to 9 PM—Nasa kapalaran na laging mangibang bayan o magpalipat-lipat ng lugar dahil sa kanyang propesyon.

9 PM to 11 PM—Unti-unti ang mararanasang pag-asenso. Dapat lang tandaan na habang tumataas ang level ng iyong pamumuhay, lalong maging magpakumbaba.

Show comments