^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’(22)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SA UNANG pagkakataon sa buhay niya, napahagulhol ang smuggling queen. Hu-hu-hu-huuu.

Naaawang nagagalit kay Miranda si Antonya. Nanghihinayang sa nawasak na sasakyan.

“Mabuti na lang at hindi idinamay ang dalawa pa naming sasakyan,” sa loob-loob ni Antonya.

“Antonya, niyari tayo ni Tililing...”

 Umiling ang alalay-amiga. “Pansamantala lang, Miranda. May pangontra akong binili ko noon sa Libya.”

Inilabas ni Antonya mula sa baul ang dalawang puting bato. “Lahat ng impakto sa mundo, Miranda, takot dito.”

“Pero hindi impakto si Tililing, Antonya. Ba­yani siya ng mahihirap na mangingisda.”

“Ang hindi natin kapanalig ay impakto, Miranda. Kalaban si Tililing, kung gayo’y impakto siya.”

Umakyat sila sa ikalawang palapag ng bahay sa tabing dagat. Pagod na pagod si Miranda.

Ibinagsak niya sa mahabang sofa ang katawan, nais tulugan ang problema. Nakatulog naman agad.

   Si Antonya ang gising na gising. Desidido itong durugin si ‘Padre Tililing’. Isinumpa nitong hindi na matatakot sa mortal nilang kaaway.

May libro ng ritwal si Antonya. Mga dasal at incantations; panlaban nga sa mga impakto.

Nagsindi siya ng itim na kandila, nagsimulang dumasal sa sariling Amo. “Buluulawi, tigawu, labuuu.”

Si Mranda ay walang kamalayan sa ginagawang ritwal ni Antonya; humahagok sa pagtulog.

Sa labas ng malaking bahay ni Miranda, ang araw ay sikat na sikat. Nagbibigay ng sapat na init.

Binugahan ni Antonya ng hangin ang sindi ng kandilang itim; namatay ang apoy nito.

Saglit pa ay nasa labas na si Antonya, dala ang mahabang sandata.

Sumakay siya sa SUV na hindi na-damage ni Miranda.

(ITUTULOY)

 

AMO

ANTONYA

BINUGAHAN

BULUULAWI

DESIDIDO

MIRANDA

PADRE TILILING

SI ANTONYA

TILILING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with