Narito ang isa pang bagay na dapat nating malaman ukol sa orgasm.
Orgasm gap - Ang totoo, hindi sa lahat ng pagkakataon ay nag-o-orgsm ang mga babae. Sa kaso ng mga lalaki, bibihira ang pagkakataong hindi sila nag-o-orgasm sa pakikipag-sex.
Pero sa mga babae, mas madalas na hindi nila naaabot ang orgasm. Madalas nga, ang akala ng mga lalaki ay nag-orgasm ang kanilang partner sa kanilang pagse-sex ngunit ang totoo ay madalas na hindi ito nangyayari. Ang tawag dito ay orgasm gap. Dangan kasi ay matagal bago mag-climax ang mga babae kumpara sa mga lalaki. Normal lang naman ito ayon sa mga eksperto. Sa katunayan, ayon sa mga experto, kailangan ng 20-minutong sexual activity bago mag-climax ang mga babae. Ang mga babaeng komportable at mas nakakaunawa ng kanilang body pleasure points ay mas madaling makapag-orgasm kaysa sa iba. Kung maagang nag-o-orgasm ang partner, may paraan ito, magbasa, magtanong o komunsulta tungkol sa premature ejaculation. (Itutuloy)