Paano mag-Feng Shui ng sasakyan?

Paano mo pupungsuyin ang iyong sasakyan bago mo ito ibiyahe sa araw-araw? Mga kailangan: Ribbon na kulay asul, Tubig na inumin, Asin (malinis at bagong bili)

Paraan:

1--Linisin ang sasakyan. Ang mga kalat at dumi sa sasakyan, ayon sa prinsipyo ng Feng Shui ay nagpapahina ng energy ng drayber.

2--Uminom ng maraming tubig ang drayber bago magmaneho upang mailabas niya ang negatibong vibration sa kanyang katawan. Ang paggamit ng cellphone ay isang halimbawa na nagbibigay ng negative vibration sa katawan.

3--Magpatugtog ng magandang musika o kumanta habang nagmamaneho upang maging presko, maaliwalas at malinis ang paligid ng sasakyan.

4--Linisin ang mga bintana ng sasakyan para makapasok ang “chi” o good energy sa loob ng sasakyan.

5--Talian ng blue ribbon ang rear view mirror. Magbaon ng tubig sa bote at ilagay sa tabi ng drayber. Ang mga bagay na ito ay nakakatulong para laging malinaw at alerto ang isip ng drayber.

6--Magsabog ng asin sa car floor carpet o mismong sa sahig (kung jeepney) bago magbiyahe upang mahigop nito ang negative energy na naiwan ng mga naging pasahero. Itapon o walisin ang asin pagsapit ng gabi. Kinaumagahan ay maglagay muli ng panibagong asin. Mas applicable ang procedure na ito sa mga pampasaherong sasakyan dahil iba’t ibang energy mula sa mga pasahero ang nasasagap ng sasakyan.

 

Show comments