Sanhi ng pagkabaog
Last part
Bago magtungo sa doctor, isulat lahat ng sumusunod na impormasyon at dalhin ito bago magtungo sa doktor:
Lahat ng medikasyon na iniinom katulad ng vitamins, minerals, supplements, o kahit anong gamot na binili na walang prescription
Gaano kadalas makipagtalik ng hindi gumagamit ng kahit anong contraceptives at haba ng panahon na sinubukang magbuntis.
Mga pagbabago sa katawan at iba pang sintomas na naramdaman o naobserbahan.
Petsa ng operasyon o gamutan na pinagdaanan, lalo na sa may kinalaman sa reproductive tract.
Anumang radiation ochemotherapy.
Gaano kadalas manigarilyo, uminom ng alak o gumamit ng ipinagbabawal na droga.
History ng sexually transmitted diseases (STDs)
Mga genetic disorder o chronic illness, katulad nga diabetes o thyroid disease, sa pamilya.
Obserbahan ang katawan. Sabihin sa doktor ang mga naobserbahang sintomas. Ang maagang pagsusuri sa problema ay maaaring magpabuti sa problema sa pagbubuntis.
- Latest