The Ghost of ‘Padre Tililing’ (7)

WALANG pasensiya si Miranda sa kamag-anak ni ‘Padre Tililing’. “Anong habilin, Nakatutok na rin sa lalaking matapang ang baril ni An­tonya. Bale tatlo na silang handang magpatayan.

Hindi natigatig ang lalaking matapang. Ngumisi pa nga. “Itanong n’yo muna kaya ang pangalan ko, mga sisters.”

Napikon si Antonya. “Tutuluyan ko na ‘to, Miranda!”

“Huwag muna, gusto niyang magpakilala.”

Ngumisi ang lalaking matapang. “Ako si Toto Camatayan – with capital C!”

Nagkatinginan ang mag-amiga. Hindi malaman kung maaaliw o mayayanig sa lalaking matapang.

 “Okay, Camatayan – ano ang habilin ni Tili­ling?”

“Dito niya nais malibing – sa libingang nasa ibaba ng gulod.”

“No way, Camatayan. Ayokong nasa teritoryo ko ang labi ni Tililing!” madiing tutol ni Miranda.

“Kapag hindi nasunod at ako’y itinumba n’yo, lulusubin kayo ng mga kakampi ko! Naitimbre ko kayo sa kanila!”

Nayanig ang smuggling queen. Ayaw niyang magkagiyera sa dalampasigan; maaapekto ang operasyon nila sa dagat.

“N-no problem, Camatayan. Ilibing mo agad si Tililing at umalis ka na rito. Wala munang patayan.” Nagpapakahinahon si Miranda.

Nag-thumbs up ang lalaking matapang; nilisan ang bahay ng smuggling queen, dama ang mun­ting tagumpay.

HALOS buong taga-fishing village ang nakipaglibing kay ‘Padre Tililing.’ Nag-iyakan ang kababaihan pati mga bata.

“Paalam, Padre Tililing! Hindi ka namin malilimutan!” madamdaming sabi ng isang lola. Miss na miss nila ngayon pa lang ang napakabait na preacher.

NA-REPORT agad kay Miranda ang tauhan. “Tapos na po ang libing ni Tililing, umalis na ang kamag-anak.”

Nakahinga nang maluwag ang smuggling queen. “Tuloy ang operasyon natin sa laot, An­tonya! Wala nang sagabal sa padating na epektos!”

“Tama, happy days na naman tayo, Miranda! Ha-ha-ha!” (ITUTULOY)

 

 

Show comments