The ghost of ‘Padre Tililing’ (3)
DAPIT-HAPON nang maalarma si Padre Tililing sa kakaibang galaw ng dagat.
“Diyusko, sobrang malalaki ang alon sa laot, padating sa pampang!”
Naalala niya ang pagyanig ng lupa kanikanina, naunawaan ang mangyayari.
Namutla ang lalaking nagpapakabanal. ‘Diyusko, tsunami!”
Nagsisigaw na ang butihing preacher, “Tsunami! Padating ang tsunami!”
Saka lamang naunawaan ng mga taga-dalampasigan ang padating na panganib.
“Takbo sa matataas na lugar, mga kasama, dali!” “Concha, bitbitin mo na ang mga bata! Doon tayo sa burol!” utos ni Mang Saro sa asawa; hatak nito ang alagang baboy at kambing, dala pati hinebra. Kanya-kanya ding likas ang mga pamilya, patakbo sa matataas na lugar.
KANINA pa nakalikas si Miranda, lulan ng SUV. Bruuummm.
Wala siyang pakialam sa mga tao sa fishing village. Hindi puwedeng magkanlong sa second at third floor ng bahay niya ang mga nagsisilikas; bilin sa mga tauhan na huwag magpapasok.
“Para n’yo na pong awa, bagong panganak ang misis ko! Kawawa sila ng sanggol!” Nakikiusap ang mister, basambasa na ng ulan.
“Bawal nga dito! Bawal!” sigaw ng mga bantay ni Miranda.
Palapit na ang tsunami. Rumaragasa.
Huli na para makaiwas ang mag-asawang may sanggol.
Humagulhol ang bata pang misis.“Hu-hu-huuu.” Niyakap na lang ng mister ang kanyang mag-ina.
SPLASSSH.
Nilamon na ng tsunami ang kaawa-awang pamilya. Sa simpleng bahay ni Padre Tililing na iisang palapag, nakaligtas sa kamatayan ang dalawang katulong sa pamamagitan ng pag-akyat sa bubong. Parang mga basang-sisiw ang mga ito pero buhay na buhay. NAGBALIK sa dagat ang tsunami. Saka lamang nagsiuwi sa mga bahay ang nagsilikas. Saka rin nakita ang pinsala sa paligid.
Maraming bangkang pangisda ang nawasak, ilang alagang hayop ang nalunod, Suwerteng walang mangingisdang namatay;
Pero iniyakan nila ang mag-anak na may sanggol; namatay ang tatlong ito.
Isa ang nawawala. Si Padre Tililing.
(ITUTULOY)
- Latest