Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang luya ay ginagamit noong unang panahon bilang “food preservative”? Ginagamit din itong gamot sa sakit sa tiyan, pagtatae, pagsusuka at pagkahilo. Ibinabalot ng mga matatandang Griyego ang luya sa tinapay upang mas madali itong kainin. Ikalawa ang luya sa mga sikat na sangkap sa pagkain sa Europa. Ang mga Amerikano naman ay gumagawa ng kending luya at jam. Ang mga Chinese naman, ginagamit ang luya sa kapag sila ay nagluluto ng baka habang ang mga Europeans naman ay ginagamit itong pang-flavour sa “fresh fruit salads”.

 

Show comments