11--Ang poster ng waterfall kung saan ang tubig ay bumabagsak sa isang ilog ay magandang idispley sa Southeast dahil magdadala ito ng magagandang oportunidad sa buhay ng nakatira sa bahay.
12--Nagdudulot ng money at business luck kung ang aquarium ay ilalagay sa Southeast at naglalaman ng 9 orange/red fishes at one black. Ang black ang magiging tagahigop ng bad energy na papasok sa inyong tahanan.
13--Gumawa ng Wish Bowl: Talian ng red ribbon ang crystal bowl at punuin ng makukulay na holen, crystal tumbles, coins, golden ingot. Ito ay mainam na idispley sa South para makamtan ang money luck.
14--Ang wall clock o table clock na may “seÂconds arm†ay mainam na ilagay sa South upang matapos ang mga projects na hindi matapos-tapos.
15--Kung nais mong bumilib ang mga tao sa mga trabahong ginagawa mo o kumalat sa madlang people ang galing mo sa iyong propesyon, magsindi ka ng incense sticks once a day sa bandang South ngunit kung ang project na ginagawa mo ay nangaÂngailangan ng secrecy, huwag mo itong gagawin dahil siguradong kakalat ito.
16--Magtatagumpay ka at sisikat kung ididispley mo sa South ang iyong performance photograph, trophies, merits and achievements.
17--Ang pagsisindi ng kandila sa bandang South ay makakatulong upang malinis ang nasirang pangalan at reputasyon.
18--Ang paglalagay ng bungkos ng yellow flowers sa Southwest ay nagdudulot ng maraming kaibigan saan ka man magpunta. Itutuloy