Iba pang sintomas katulad ng:
Pamumula, pangangati, pagluluha, pananakit at panunuyo ng mata; pagkakaroon ng singaw sa bibig at problema sa paningin
Mga pagsusuri at eksaminasyon
Nikolsky’s sign; Skin lesion biopsy; Eksaminasyon sa skin tissue gamit ang microscope
Mga gamutan katulad ng: Pag kontrol sa sakit na sanhi nito; Pagpigil sa impeksyon; Paggamot sa mga sintomas
Maaaring pahintuin ng doctor sa pag-inom ng gamot na sanhi ng sakit na ito. Huwag itigil ang pag-inom ng mga gamot kung walang tamang pagkonsulta sa doctor.
Gamutan para sa banayad na sintomas:
* Gamot katulad ng antihistamines upang makontrol ang pangangati
* Pag-inom ng gamot laban sa virus kapag ang sanhi ay herpes simplex
* Over-the-counter medications (katulad ng acetaminophen) para mapababa ang lagnat at hindi magandang pakiramdam
* Topical anesthetics (sugat sa bibig) upang mabawasan ang hindi magandang pakiramdam na maaaring maging hadlang sa maayos na pag-inom at pagkain