^

Para Malibang

Huwag hamakin ang sarili

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Boyong, isang hamak na pedicab driver. Ulila na ako sa mga magulang at ang mga kapatid ko na puro lalaki ay may kanya-kanya ng pamilya. Wala na rin akong balita kung nasaan na sila. Noong bata pa ako ay pangarap kong makatapos ng college. Ang problema, walang pera ang aking magulang para ako mag-aral. Ngayon po ay 30 anyos na ako at binata pa rin. Nagkaroon ako ng mga girlfriends noong araw pero ayaw ko nang pumasok sa seryosong relasyon. Ayokong matulad sa akin ang aking magiging mga anak kung sakali. Ano ang ipambubuhay ko sa kanila kung ako mismo ay sumasala sa oras kung minsan dahil sa kakarampot na kinikita sa pagpadyak. Paano o kaya mababago ang takbo ng buhay ko? High school lang ang natapos ko at tanging pagkakargador at pedicab ang alam kong trabaho.

Dear Boyong,

‘Wag mong masyadong hinahamak ang iyong sarili. May iba riyan na hindi lang mababa ang pinag-aralan kundi may kapansanan pa pero umasenso sa buhay dahil sa pagtuklas ng ibang bagay na kaya nilang gawin. Nakita mo na ba yung mga bulag na nagmamasahe sa mga mall? Yung iba sa kanila’y nakapagpundar ng sariling negosyo at may sariling pamilya. Tumuklas ka ng iba mong kakayahan at linangin mo iyan. Pwede ka rin mag-aral sa TESDA para maging skilled worker na magagamit mo sa pag-aplay ng trabaho. Tandaan mo na hindi hadlang ang kawalan ng pinag-aralan para magtagumpay sa buhay. If there’s a will, there’s a way, ika nga. Good luck!

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

ANO

AYOKONG

BOYONG

DEAR BOYONG

DEAR VANEZZA

NAGKAROON

NAKITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with