‘Erythema multiforme’? (1)
Noong nakaraang lingo ay natalakay natin sa ating pitak ang iba’t ibang klase ng pantal sa katawan at ang sanhi nito. Ngayon ay talakayin natin ang isang pamamantal na tinatawag na erythema multiforme. Ano nga ba itong erythema multiforme at ang mga sanhi nito? Paano naman maiiwasan? Narito ang ilan sa mga impormasyon hinggil dito.
Erythema multiforme – Ito ay isang skin disorder na nanggaling sa allergic reaction o impeksyon.
Ang sanhi ng Erythema multiforme ay isang uri ng hypersensitivity reaction. Ito ay dahil sa gamot na iniinum, impeksyon, at karamdaman.
Mga gamot na sanhi gaya ng Barbiturates; Penicillins; Phenytoin; Sulfonamides.
Impeksyon katulad ng Herpes simplex at Mycoplasma. Ang eksaktong pinagmulan nito ay hindi pa alam. Ang karamdamang ito ay nagsisimula sa pagkasira ng blood vessels ng balat, kasunod nito ay pinsala sa skin tissues.
Mga sintomas nito: Lagnat; Hindi magandang pakiramdam ng buong katawan; Pangangati ng balat; Pananakit ng mga kasukasuan.
Mga sugat sa balat:
Mabilis magkasugat at maaaring magpabalikbalik; Maaaring kumalat; Maaaring may lumabas na nodule, papule, o macule na kamukha ng pantal
Sugat sa gitnang bahagi na pinaliligiran ng mapusyaw na pula ay tinatawag na “iris†o “bulls-eyeâ€.
- Latest