Isang milyong pisong kilabot (11)
“NAKATATLONG oras na tayo rito sa nasunog na asylum, palagay ko talaga, Paula, walang multo. Kung meron e di sana kanina pa?â€
“Mabuti na lang, Socrates, protektado tayo ng kontrata. Hindi na nila puwede bawiin ang Isang MilÂyong Pisong premyo. Meron man o walang multo tayong maengkuwentro, sigurado ang cash prize.â€
Nag-uusap ang mag-asawa habang kumakain ng hapunan, sa loob ng napakadiÂlim at napakaruming building.
Biglang nawala ang ngiti ni Socrates. “Naalala ko, ikaw ang kinausap ng wirdong may-ari, Paula. Hindi pa rin ba humarap sa iyo?â€
“Kuwan, nalimutan ko lang sabihin, Socrates—nagpakita na siya ng mukha. At nagpakilala na rin. Siya raw si Emil Caluycoy.â€
Naintriga si Socrates. “Bakit daw de-patalikud-patalikod pa sa atin? Ano ba raw ang gimik niya?â€
Nananantiya ang mga sagot ni Paula. Hindi lahat ay sinasabi, alam na super-seloso si Socrates.
“Wala namang gimik, mahal,†sagot ni Paula. “Kuwan, nagbibigay daw sa kanya ng kasiyahan ang mga bagay na kakaiba—gaya ng One-Million Peso contest na ‘to na multo ang kalaban natin…â€
“Gusto niyang makita kung paano tayo matatakot, gano’n?â€
Tumango si Paula. “Bale gano’n na nga, Socrates. Kanya-kanya ng kaligayahan ang tao, e.â€
Nag-iisip si Socrates. “Dapat pala, huwag taÂyong matakot. Para mabigo ang Caluycoy na ‘yon. Tiyak na may hidden camera rito, mino-monitor tayo.â€
Bumulong si Paula. “At huwag nating lakasan ang usapan, lalo na kung tungkol kay Emil Caluycoy. Baka marinig tayo nu’ng supervisor.â€
Bumulong din si Socrates. “Guwapo ba…?â€
“’Yung supervisor?â€
Umiling si Socrates. “Hindi. ‘Yung si Caluycoy—pogi ba?â€
Nagsinungaling si Paula. “Para sa akin, hindi siya guwapo.â€
Bumulong pa si Socrates. “Baka may gusto sa iyo, Paula?â€
Nagsinungaling na naman ang magandang ginang. “Naku, wala. Bakit naman magkakagusto?â€
Hindi na nakasagot si Socrates. Kasi’y may nakita. (ITUTULOY)
- Latest