Hula sa mga babae Last Part

• Kung ang sakong ay sobrang lapad, maikli lamang ang buhay ng mister niya.

• Magiging masuwerte ang kanyang buhay at magkakaroon ng mga anak na may magagandang disposisyon sa buhay kung ang sakong sa kanan ay mataba at mataas.

• Magtatagumpay sa buhay ang babaeng may mamula-mulang paa, katamtaman ang size, malaman, maganda ang hugis.

• Kapag mas mahaba ang first toe (daliring katabi ng hinlalaki) kaysa hinlalaki, siya ay matigas ang ulo at dominante.

• Yayaman kung ang second toe ay mas mahaba sa first toe.

• Magiging matandang dalaga kung sobrang maikli ang second at third toe.

• Mayaman ang mapapangasawa kung bilugan ang mga daliri sa paa.

• Yayaman siya pero mauuna siyang mamatay kaysa kanyang asawa kung ang mata niya ay blue at ang kutis sa buong katawan ay mamula-mula.

• Kung pandak,  maliit ang mata at kamay, mahilig sa good time at sex.

• Kung mabalbon sa noo, baywang at tiyan, maagang mabibiyuda.

• Yayaman ang babaeng manipis ang labi, maliliit pero makintab ang ngipin, may manipis at maliit na kamay, malambot ang palad.

• Kung ang labi at dila ay mapula, malambot ang katawan, siya matalino, magiging mayaman at titi­ngalain ng madla.

• Kung may nakikitang nangingitim na ugat  sa kanyang dila, balakang at paa, ang babaeng ito ay magdadala ng kamalasan sa lalaking mapapangasawa niya.

 

 

Show comments