10 Feng shui Business Tips

Mas maganda kung ang sitting arrangement ng mga empleyado ay nakatalikod sila sa solid wall. Hindi maganda kung bintana ang nasa likod.

Ang fax machine, computers at telephone ay dapat nasa wealth area or Southeast.

Kung pangarap mo ng mas mataas na posisyon, magdispley ng dragon sa right side ng iyong mesa, tapos iharap ang dragon sa entrance ng opisina.

Huwag magdidispley ng cactus plant sa loob ng opisina.

Hindi maganda kung ang manager’s office ay may dalawang pintuan. Ang good energy na papasok sa kuwarto ay may tendency na lumabas kaagad.

Ang company signboard ay dapat na idispley sa wealth area para hindi kayo matalo ng kalabang kompanya.

Huwag ilalagay ang paper cutter sa tabi ng main door. Awayan ng mga empleyado ang magiging resulta nito.

Magdispley ng palakang may nakasubong Chinese coins sa wealth area. Siguraduhing laging nakasubo ang coin.

Magsabit ng crystal ball sa bintana para maakit na pumasok ang good energy.

Magpatong ng crystal ball sa ibabaw ng telepono o idispley ito katabi ng telepono para dumami ang business calls.

 

 

Show comments