Isang milyong pisong kilabot (3)
MINUMULTO ang nasunog na mental asylum na titigilan nina Paula at Socrates nang 24 oras, sakaling tanggapin nila ang One-Million Peso challenge ng wirdong may-ari ng asylum.
“Paula, ayon dito sa research ko, sarisaring multo at kababalaghan ang mararanasan ng sinumang titigil sa nasunog na asylum. The most horrifying things daw na sapat para mamatay sa takot ang sinumang maliligaw doon…â€
Napapalunok si Paula sa sinabi ni Socrates. Takot pa naman siya sa multo. Kaunting kaluskos lang sa hatinggabi ay nagpapatayo na sa kanyang balahibo; kahit sa daga at ipis ay takot na takot sjya.
“Socrates, kaya mo ba?†tanong ni Paula sa husband. “Kung kaya kong mag-survive ng 24 oras sa presencia ng mga multo, Paula? Oo naman. Lalake ako, kung Isang Milyong Piso ang premyo—kahit anong klaseng multo, haharapin ko!†matatag na sabi ni Socrates.
“Kaso, paano ako tatagal doon? Napakamatatakutin ko, Socrates.†Nanlulumo ang magandang misis.
“Paula, ang mga multo ay nananakot lamang. Hindi sila mga taong buhay na may kakayahang pumatay. At di ba may nagsabing ‘ang takot ay nasa isip lamang’?â€
“Alam ko naman ‘yon. Kaso ayaw maniwala ng isip ko, natatakot pa rin nang husto.â€
“Paula, minsan lang tayong pagkakalooban ng tsansang manalo ng Isang Milyon. 24 oras lang tayong makikipaglaban sa takot. Gagapiin natin ang mga multong ‘yon, maniwala ka.â€
Bumuntunghininga si Paula. “B-basta ipaÂngako mo, Socrates, lagi tayong magkasama habang nasa loob ng mental asylum na ‘yon. Huwag na huwag tayong magkakahiwalay sa loob ng 24 oras.â€
Niyakap ni Socrates ang ginang. “I promise, Paula. And believe me—mananalo tayo ng Isang Milyon.â€
“H-Hindi na tayo maghihirap sa buhay, ha, Socrates? Mabibigyan na natin ng magandang future ang dalawang anak natin?â€
Tumango nang tumango si Socrates. “Oo, mahal…makakaahon na tayo sa hirap.â€
Desidido na ang mag-asawa. Pipirma na sila sa kontrata ng One-Million Peso challenge versus mga multo. (ITUTULOY)
- Latest