Maraming tao ang nagtataka bakit nagiging makakalimutin sila o di kaya ay hirap magkaroon ng konsentrasyon sa paggawa ng isang bagay. Minsan, nakakalimutan mo na mayroon ka palang meeting sa opisina, hindi mo alam kung saan mo naiwan ang iyong cell phone, wallet, suklay at iba pang personal na bagay. Bakit nga ba nagkakaganito ang tao? Narito ang ilang dahilan:
Pagbabago ng hormone – Maaaring ang sanhi ng iyong pagkalimot ay ang pagbaba ng lebel ng iyong hormone o ang tinatawag na “hormone deficiencyâ€, lalo na kapag ikaw ay pagod at puyat. Ayon kay Robert Orford MD, consultant sa Mayo Clinics Preventive Medicine Division sa Scottsdale, kapag mayroong kakulangan sa thyroid hormone, bumababa ang metabolism na nagdudulot din ng mahinang pagdaloy ng dugo sa iyong utak.
Irregular hormone – Madalas na mangyari ito sa mga babae lalo na kung sila ay malapit na sa tinatawag na “perimenopauseâ€. Ang pagbagsak ng estrogen sa katawan ay nagdudulot ng pagsakit ng ulo ng mga babae kaya naman hindi na siya makapag-concentrate ng maayos.
Gamot – May mga gamot na nagdudulot ng pagiging malilimutin ng tao gaya ng mga anti-depressant at antihistamines na gamot. Dahil nakakaantok ang epekto ng gamot na ito sa katawan ng tao.
Pagtigil sa paninigarilyo – Karamihan sa mga huminto sa paninigarilyo ay nagrereklamong nahihirapan silang magkaroon ng konsentrasyon. Ito ay dahil hindi na sila busy sa paghithit ng sigarilyo kaya ang akala nila ay humina ang takbo ng kanilang isip. Pero, sa totoo lang ay dobleng benepisyo sa kanilang isip ang naidulot ng paghinto nila sa kanilang paninigarilyo.
Busy – Maaaring pakiramdam mo ikaw ay sobrang busy o abala, ngunit sa totoo lang hindi naman gumagana ang iyong pisikal na katawan at utak. Lalo na kung ikaw ay nakaupo lang sa iyong lamesa o nagmamaneho ng iyong kotse. Para manatiling aktibo ang iyong isip kailangan na aktibo rin ang katawan. Kung mayroong sapat na ehersisyo tataaas ang produksiyon ng “neurotrophic†sa iyong utak at pinababagal naman nito ang pagkapal ng “plaques†sa isip na siyang nagiging sanhi ng Alzheimer’s disease.