A. Nunal sa gawing Kanan ng Ulo
Magtatagumpay sa pulitika.
Kung nasa kanan tapos kulay red or green, siya ay magiging cabinet member ng gobyerno o kikilalaning pinuno ng simbahan.
O, kaya ay presidente ng bansa o isang business organization.
Mas malinaw na nakikita ang nunal sa ulo sa mga kalbo.
B. Nunal sa gawing Kaliwa ng Ulo
Laging gipit sa pera.
Malaki ang tsansang hindi makapag-asawa.
Ang interest at husay niya ay nasa field ng literature.
C. Likod ng ulo
Kung lalaki siya, kadalasan ay nagiging under de saya ng asawa.
O kaya ay malaki ang kinikita ngunit masama ang reputasyon sa publiko.
D. Nunal sa gawing Kanan ng Noo
At malapad ang noo, yayaman at magiging matulungin sa kapwa.
Sisikat dahil sa pagiging matulungin.
E. Nunal sa gawing Kaliwa ng Noo
At makipot ang noo, senyales na maramot siya.
F. Nunal sa sentido
Kanan—maagang mag-aasawa at may posibilidad na biglang datnan ng maraming pera.
Kaliwa—maagang pag-aasawa rin at bigÂlang yayaman ngunit mamalasin sa negosyo.