Nagsisisi na maagang nag-asawa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Elle, 19 years old nang mag-asawa ako, bagay na pinagsisisihan ko ngayon. Masyadong iresponsable ang asawa ko. Sa unang taon namin ay okey. Kahit anong trabaho ay pinapasok niya para may maitustos sa amin ng kanyang anak. Pero ng sumunod na mga taon ay nagbago na siya. Ayaw  na niyang magtrabaho at ang katwiran niya ay pagod na siya. Nababarkada pa siya at madalas lasing. Dahil sa ginagawa niya ay nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Nagsisisi ako at ngayon ko na­realize ang mga payo ng aking mga magulang. Ano ang gagawin ko?

Dear Elle,

May dahilan para ka mainis sa asawa mo dahil umiiwas siya sa responsibilidad. Pero mag-asawa kayo at dapat magsama sa hirap at ginhawa. Daanin ninyo sa maayos na pag-uusap. Himukin mo siyang magtrabaho dahil may pamilya siya. Sikapin mo na mapanatili ang inyong pagsasama hangga’t makakaya mo. Pinasok mo ang pag-aasawa, dapat matuto kang manindigan at gumawa ng paraan kapag nagkakaroon ng problema. Huwag ka agad susuko. Sadyang dumaraan ang mag-asawa sa mga pagsubok. Magpakatatag ka at manalangin sa Diyos na manumbalik ang dating ugali ng iyong asawa. 

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments