Dear Vanezza,
Ten years na kaming nagsasamang mag-asawa. Pero sa kabila ng mga sakripisyo ko at paghihirap para sa kanila, nagawa pa rin niyang mambabae. Hiniwalayan niya ang kanyang kerida at hindi na sila nagkita kailanman. Pinagsisihan niya ang kanyang ginawa at pilit na binubo ang pamilya namin. Buong akala ko ay napatawad ko na siya. Pero sa tuwing nag-aaway kami pinapamukha ko sa kanya ang kanyang mga ginawa. Hindi ko pa rin matanggap na ginawa niya sa akin ang ganung bagay dahil naging sobrang faithful ako sa kanya. Hindi ko malimutan ang sakit at pagod ng isipan na idinulot sa akin ng ginawa niya. Nawawalan na ako ng gana sa pagsasama namin ngayon. Mahal ko siya pero parang hindi na worth na mahalin siya. Ano ang gagawin ko? Paano ako magmo-move on? - Lynet
Dear Lynet,
Kung magpatawad ang Diyos ay ganap. Sabi sa Bible: “God doesn’t keep a record of wrongâ€. Hindi na inaalala pa ang nakaraan. Ibig ng Diyos na ganyan din tayo kung magpatawad. Kung manalangin tayo, sinasabi nating “Forgive our sins as we forgive those who sinned against us.†Kung nais ninyong mag-asawa na maging maayos ang inyong pagsasama alang-alang sa inyong mga anak, magkasundo kayo. Huwag na niyang uulitin pa ang dating pagkakamali at huwag mo nang uungkatin pa ang madilim na nakaraan na iyong pinatawad na. Kung hindi, walang mabuting kahihinatnan ang inyong relasyon. Kasunod ng pagpapatawad ang paglimot sa nakaraan. Kapag nagpatawad ka, dapat mo ng kalimutan ang kanyang nagawang kasalanan.