Ang lahat ng tao ay nakakaranas ng kalungkutan dahil sa iba’t ibang kadahilanan gaya ng pressure sa school, trabaho, pamilya at iba’t ibang bagay sa kapaligiran. Pero, minsan hindi mo namamalayan na mas malala pala kaysa sa ordinaryong kalungkutan ang iyong nararamdaman. Ang kalungkutang ito ay umaakyat sa depresyon. Ang malalang depresyon ay nangangailangan ng pagpapagamot sa doctor. Ngunit paano ba malalaman na ikaw ay mayroong depresyon? Kung ikaw ay malungkot at wala sa mood sa loob ng ilang araw at tumatagal ng dalawang linggo at naapektuhan ang iyong trabaho at pakikipagsalamuha sa iyong kapwa malaki ang posibilidad na ikaw ay depressed. Narito pa ang ilan pang palatandaan:
Kawalan ng gana kumain at pagbaba ng timbang.
Nagkakaroon ng kahirapan sa pagtulog o hindi mapagkatulog.
Nawawalan ng interest na makisalamuha sa ibang tao, trabaho at makipag-sex.
Nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa, pagiging inutil at nagi-guilty.
Mababang kumpiyansa sa sarili at irritable.
Madaling mapagod.
Nahihirapan mag-concentrate at gumawa ng tamang desisyon.
Madaling umiyak.
Nakakaisip magpakamatay.
Kung nakakaramdam ng mga nasabing sintomas, dapat na agad kumunsulta sa doctor bago pa man hindi makontrol ang emosyon at isip.