Ang palaka ay ilagay sa ibabaw ng cash box at iharap ito sa loob sa cashier o sa loob ng tindahan. Sa bahay, ganoon din, ilagay ito sa may entrance pero nakaharap sa loob. Bakit nakaharap sa loob ng tindahan o bahay at hindi sa labas? Ito ay sumisimbolo na natanggap na ninyo ang biyaya at inihahatid ng palaka sa loob ng bahay ang biyaya. Huwag aalisin ang perang nakasubo sa palaka. Ito ay nagsisilbing pantawag sa mga kostumer upang dumami ang kita ng tindahan.
Basta’t new moon mo ito gagawin para matupad ang iyong wish: Bumili ng cinnamon bark or cinnamon sticks sa spices and condiments section ng malalaking supermarket. Kumuha ng 3 sticks at talian ng red ribbon. Ilagay sa altar at magsindi ng kandila. For 15 minutes, hagurin ng kamay ang cinnamon sticks habang iniisip mo ang iyong wish. Gawin ito for 9 consecutive days.
Sa gabi ng new moon isulat ang wish sa dahon ng laurel, ‘yung ginagamit sa pag-aadobo. Lumabas at tumitig sa buwan o sa kalangitan. Halikan ang dahon ng 3 beses at ilagay ito sa ilalim ng unan bago matulog. Mas doble ang epekto kung gagawin sa new moon ng July or August.