Alam n’yo ba na ang sayote o chayote ay orihinal na nagmula sa Mexico at Central America? Popular ang gulay na ito sa mga Mayas at Aztecs. Lumaganap ang pagtatanim nito sa buong mundo lalo na sa Algeria, Madagascar, Polynesia, Southern U.S., China, Indonesia, New Zealand at Australia. Ang sayote ay mula rin sa squash family. Kilala rin ito sa mga pangalang custard marrow, christophene (France, Caribbean) at choucheoute (Madagascar, Polynesia)