Ghost train (1)
SA HATINGGABI dumarating ang hiwaga, sa mga lugar na hindi akalaing pupuntahan ng tren.
Mga pook na malayo sa daanan nito, pati na sa bahayang wala namang riles.
TUUUT.TUUUT. Sumisilbato pa ang tren, lumilikha ng ingay ang mga gulong na bakal. TSUG-TSUG-TSUG…
Ang mangilan-ngilang taong gising sa tindahan sa kanto, mga lasenggong maiingay, ay kinilabutan.
Nawala ang kalasingan.
“Pareng Dagul…p-palapit sa ‘tin…â€
“Putangtang ama…totoo nga!â€
Matataba ang ilang lasenggo; ang mga payat ay malalaki ang tiyan; meaning hindi malulusog.
Mga lasenggong kandidato sa biglang kamatayan.
“M-mga p’re…paano magkakatren sa eskinita natin?â€
“H-hayan na…n-nakupo…â€
Sa harap ng tindahan tumigil ang kulay-puÂting tren. Bumuga ang air break. Tsikissshh.
Napaunat sa pagkakaupo ang mga nagÂlalasingan, naabala sa pag-inom. Ang tinderang inaantok ay bigÂlang nagising—hindi rin makapaniwala.
Napakaliwanag ng loob ng tren, kita ang mga sakay na nakaduÂngaw sa mga bintana, nakatunghay sa mga tao sa labas.
“K-kilala ko ‘yung matandang babaing maikÂli ang maputi nang buhok,†kinikilabutang bulong ni Dagul sa mga kainuman.
“S-sino siya, p’re?â€
“A-ang Lola Sela ko…patay na siya n’un p-pang isang taon…â€
Tumayo na yata ang buhok ng mga nakarinig kay Dagul.
Ang mga sakay ng mahiwagang tren ay mga nakapamburol; mga mukhang bangkay.
“M-mga p’re…p-puro natepok na ang s-sakay…â€
Nagkanya-kanya nang takbuhan ang mga nasa tindahan.
Sigawan.Tilian. Aaaahhhh! Eeeee!
Naiwan si Dagul, putlang-putla, tutop ang dibdib. (ITUTULOY)
- Latest