Estapadorang gf

Dear Vanezza,

Ako po’y may ma—gan­dang kita sa aking pinapasukan kaya tumutulong ako sa aking pamilya at kaanak. Nais ko na bago ako lumagay sa tahimik, nasa maayos na rin ang buhay nila. Bagaman malayo ako sa bansa, mayroon akong naiwang nobya. Nag-aaral din siya at nagtatrabaho. Mabait siya, maunawain at responsable. Sa kanya ko ipinagkakatiwala ang ipinapadala ko para sa aking pamilya. Una walang problema, pero unti-unti na akong nakakatanggap ng hindi maganda mula sa aking mga kaanak laban sa kanya. Hindi na niya naibibigay ang pera. Ang katwiran ay ang pagiging abala ng aking gf. Pinilit kong alamin ang totoo, kinausap ko siya maging ang aking mga kaanak. Maraming hindi tugmang detalye ang aking gf. Sa madaling salita, mga kaanak ko ang sa tingin ko ay nagsasabi ng totoo. Ano po kaya ang mabuti kong gawin? Mukhang malas ata ako sa babae. - Mike

Dear Mike,

Pasalamat ka at habang maaga ay nakilala mo ang tunay na ugali ng babaeng minamahal mo. Minsan pang napatunayan na lahat ng sobra ay nakasasama. Labos ang naging pagtitiwala mo sa gf mo pati ang para sa mga kamag-anak mo ay pinayagan mong hawakan niya. Kaya hindi nakapagtataka na dumating sa puntong, aakalain niyang ok lang sa iyo ang lahat. Gayunman, sakaling umuwi ka mas mainam na alamin mo pa rin ang tunay na nangyari. Anuman ang mapatunayan mo, gawin mong aral ang nangyari. Huwag ibuhos ang pagtitiwala at hanggat maari ay idirekta mo na ang iyong pinaghirapan sa mga mahal mo sa buhay.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments