Nagsalubong ang dalawang lasing

Panaginip: Hindi ako makalakad nang maayos dahil lasing ako. Nanlalambot ako kaya nahihirapan akong maglakad. Habang naglalakad ay may nakasalubong akong lalaki na lasing din.---Ric

Interpretation: Nagtagumpay ka ba at pagkatapos ay nalasing ka sa tagumpay na iyon? Or, may pagkakataong gusto mong makalimot dahil sa isang masamang pangyayari. Iminumungkahi rin ng iyong panaginip na tingnan mong mabuti ang lahat ng anggulo upang magkaroon ka ng patas na paghuhusga sa isang pangyayari. Ang ibig sabihin ng nakakita ng lasing sa panaginip—makakatanggap ka ng maliit na sorpresa ngunit magbibigay sa iyo ng malaking tuwa.

Show comments