Nagmahal sa maling lalaki

Dear Vanezza,

Dati na akong nagmahal pero sa maling lalaki. Nagkahulugan na kami ng loob nang aminin niya na may asawa na siya at anak. Ginawa niya ito dahil hindi na raw niya kayang magsinungaling sa akin.  Dahil dito, kahit mahal na mahal ko siya ay pinili ko pa ring lumayo. Balak kong puntahan ang misis niya para mag-sorry. Hindi ko sinasadya na umibig sa may asawa. Gagawin ko ito para mawala ang guilty feelings sa aking puso. Tama ba ang gagawin ko? - Trix

Trix,

Hindi mo na kailangang mag-sorry pa sa asawa ng naging bf mo dahil hindi mo naman sinadya na agawan siya ng asawa. Ang paglayo mo sa kanya ay isang mabuti at tamang desisyon kaya wala kang dapat ika-guilty pa. Pero kahanga-hanga ang iyong ipinakita. Hindi madali ang naging desisyon mo gayong mahal na mahal mo kamo ang iyong bf. Ang tulad mo na may mabuting puso ay karapat-dapat na makatagpo ng lalaking magmamahal sa iyo ng tunay at maghahatid sa iyo sa dambana.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments