Iangkop mo ang iyong activities sa tamang araw o panahon upang makamtan ang magandang kapalaran. Tumingin sa kalendaryo para matiyak kung ano ang petsa ng NEW MOON. Ang petsang ito ang ikukunsidera mong DAY ONE (1).
Day 16—Magandang araw para sa pagpapakasal at manganak.
Day 17—Magandang araw para magpakasal at simulan ang negosyo o anumang trabaho upang makatiyak na magtatagumpay.
Day 18—Ang mga importanteng bagay na nangaÂngailangan ng positibong resulta ay ipagpaliban munang isagawa sa araw na ito dahil mabibigo ka lamang.
Day 19—Blessings at suwerte ang sasaiyo kung sa araw na ito isasagawa ang anumang activity kasama na ang pagpapalibing.
Day 20—Ipagpaliban ang anumang gawain sa araw na ito dahil magreresulta lang ng legal problem, pagkalugi o kamatayan.
Day 21—Ito ang lucky day para magpadala ng sulat o anumang paraan ng pakikipagkomunikasyon.
Day 22—Ang negosyong sisimulan sa araw na ito ay magdadala sa iyo ng maraming pera. Lucky day para simulan ang construction ng bahay. Malas ang pagliliÂbing. Ang mamalasin ay ang mga naulila.
Day 23—Ang araw na ito ay maganda lamang sa paglilibing ngunit malas sa anumang activity.
Day 24—Mag-ingat sa mga pipirmahang dokumento. Baka magkaroon ng legal problems sa bandang huli. Malas na araw para magpakasal at maglibing. Itutuloy