Alam n’yo ba na ang pagtawa ay katulad din ng pag-eehersisyo? Ito ay dahil kapag ikaw ay tumatawa, ilang porsiyento ng calories ang nasusunog sa iyong katawan. Lalo na kung medyo matagal ang ginawa mong pagtawa. Daig mo pa ang nag-gym ng isang oras. Nakakabuti rin ito sa pagdaloy ng iyong dugo. Ito ay nadiskubre sa pag-aaral. Ang mga taong mahilig manood ng mga nakakatawang palabas ay mas maganda ang daloy ng dugo kumpara sa mga taong nanonood ng drama. Nakakapagpalakas din ng immune system ang pagtawa, kaya naman kapag palagi kang tumatawa, pinipigilan nito ang iyong katawan na madapuan ng stress.