Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na nakuha ng bandang “Beatles” ang kanilang pangalan mula sa pelikulang “The Wild Ones”  kung saan ang grupo ng mga kababaihan dito ay tinawag na “beetles”. Pinalitan lang ng “ea” ang “ee” sa pangalang ito. Ang kantang  “Hey Jude” ng Beatles ang pinakapopular na single album nito. Noong 1972, ang “Let it be”  ang unang kanta na naipalabas ng Beatles sa Soviet Union. Si Paul MacCartney ay kaliwete, kaya naman kahit tumutugtog siya ng bass guitar ay kaliwang kamay niya ang kanyang ginagamit sa pagkalabit nito habang si Ringo naman ay kaliwete rin na pinaniniwalaang dahil dito ay nagkaroon siya ng original na pagtugtog ng drums.

Show comments