Dear Vanezza,
Hiwalay na kami ng ama ng aking anak. Anim na taon din kaming nagsama kahit alam kong pamilyado siya. Sobrang mahal ko siya noon. Pero ang pagsasama namin ay dumating sa punto na nawawalan na kami ng respeto sa isa’t isa. Nasaktan niya ako. Nalaman ko rin na kung sinu-sino ang babae niya. Ilan dito ay dinadala pa niya sa bahay namin. Nakikita ito ng anak ko at marahil ito ang dahilan kaya lumayo ang loob niya sa kanyang ama. Tama ba ang ginawa kong paglayo ng aking anak sa kanyang ama? May karapatan ba siyang kunin ang anak ko? Ang nanay ko po ngayon ang nag-aalaga sa bata dahil ako ay nagtatrabaho. - Viki
Dear Viki,
Kahit sa ilalim ng batas, ang ina lagi ang may karapatan sa anak lalu pa’t hindi kasal ang mga magulang. Sa paglalarawan mo sa kinakasama mo, masamang impluwensiya lang ang maidudulot niya sa bata. Hindi gawain ng isang matinong padre de pamilya ang magdala ng ibang babae sa bahay at ipakita pa ito sa bata. Tama lang na lumayo kayo sa kanya. Ang tulad niya ay walang karapatang maÂging ama ng inyong anak. Mabuti na lamang at hindi kayo kasal. Pabayaan n’yo na siya at pagtuunan mo ng atensiyon ang kinabukasan ninyong mag-ina.
Sumasaiyo,
Vanezza