^

Para Malibang

‘Hyperthyroidism’ (4)

BODY PAX - Pang-masa

Anu-ano ang Sanhi ng hyperthyroidism?

Graves’ disease

Ito ay pangkaraniwang sanhi ng hyperthyroi­dism. Maaaring magkaroon nito lahat, pero karaniwan ito sa mga kababaihan na edad 20 hanggang 50 years. Ito ay maaaring makaapekto sa lahat lalo na kung mayroong family history sa sakit na ito. May ilang miyembro ng pamilya na mayroong autoimmune diseases (katulad ng diabetes, rheumatoid arthritis at myasthenia gravis).


Ang Graves’ disease ay isa ring autoimmune disease. Ang immune system ang karaniwang lumalaban sa mga bacteria, viruses at ibang germs. Sa autoimmune diseases, ang immune system ang karaniwang antibodies ay umaatake sa tissues ng katawan natin. Kapag tayo ay may Graves’ disease, ang antibodies natin umaatake sa  thyroid gland. Ito ay nakapag-stimulate sa  thyroid ng maraming thyroxine.

Sa Graves’ disease ang thyroid gland ay luma­laki na nagiging dahilan ng  pamamaga ng leeg o tinatawag na goiter. Ang mga mata ay apektado rin nito. Sa ganitong sitwasyon, maaaring lumuwa ang mga mata (proptosis). Ang problem sa eye muscles ay maaaring magresulta ng pagkaduling. Walang maliwanag na dahilan kung bakit ang ganitong problema sa mata ay naging sintomas ng Graves’ disease. Ano ang iba’t ibang gamutan para sa hyperthyroidism? (Itutuloy)

ANG GRAVES

ANO

DISEASE

ITUTULOY

KAPAG

MAAARING

SA GRAVES

SANHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with