Nadiri sa ahas

Panaginip: May ahas na gumagapang patungo sa aking kinatatayuan. Hindi ako natakot kaya dinampot ko ito at hinawakan. Pero bigla ko rin itong inihagis dahil parang nadidiri ako sa kanyang balat na parang naglalangis-langis na malagkit at amoy malansa.---Boy

Interpretation: Sa kasalukuyan ay may problema ka sa iyong “performance” sa kama. Pinagdududahan mo ang iyong sarili kung kagaya ka pa rin ng dati na mahusay sa sex. Nag-aalala ka na baka hindi mo na napapaligaya ang iyong sex partner.

 

 

Show comments