Noong nakaraang araw ay naging paksa sa ating pitak ang hypothyroidism o underactive thyroid na ibig sabihin ay mababang lebel ng hormone sa ating katawan. Ngayon ay tatalaÂkayin naman natin ang hyperthyroidism. Ano ang epekÂto nito sa ating katawan at ano ang mga gabay upang maiwasan ang ganitong karamdaman. Ang Hyperthyroidism ay pagtaas ng lebel ng thyroid hormone. Maraming dahilan kung bakit tumatataas ang lebel ng hormones. Ang graves’ disease ay isang karaniwang sanhi nito. Maraming sintomas ang Hyperthyroidism.
May iba’t ibang gamutan na maaaring maÂpababa ang lebel ng thyroxine gaya ng gamot, radioiodine at surgery. Ang Beta-blockers ay maaaring makaÂbawas sa mga sintomas ng Hyperthyroidism.
Ano ang hyperthyroidism?
Ang Thyroxine ay isang body chemical (hormone) na gawa ng thyroid gland. Ito ay dinadala sa iba’t ibang parte ng katawan sa pamamagitan ng daloy ng dugo. Tinutulungan nito na gumana ng maayos ang ating katawan sa pamamagitan ng metabolism. Maraming cells at tissues sa ating katawan na nangangailan ng thyroxine para gumana ng tama. Ang ibig sabihin ng Hyperthyroidism ay pagkasobrang aktibo ng thyroid gland. Kapag ang ating gland ay sobrang aktibo sa normal nitong galaw nagdudulot ito ng sobrang thyroxine. Ang sobrang thyroxine ay maaaring magdulot ng sobrang bilis ng galaw ng katawan sa normal na bilis nito. (Kabaligtaran naman ito ng hypothyroidism, ang paglabas ng thyroxine ay magdudulot ng pagbagal naman ng galaw ng katawan)Thyrotoxicosis ang term na ginagamit ng mga doctor kaysa hyperthyroidism. (Itutuloy)