^

Para Malibang

Aswang family (48)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

TODO-BIGAY ang pagkanta ng mag-amang Sotero at Shalina sa karaoke bar, walang pakialam na sila ay nanganganib na sa mga taumbayan.

Sino nga ba naman ang matatahimik na ang libangang karaoke bar ay na-invade  ng kapreng bading at ng seksing manananggal?

Nagtipun-ipon na ang mga tao, sari-sari ang dalang panlaban—itak, dos por dos, holy water, baril.

Meron ding ang dala ay banal na krus. Ang mga barangay tanod ay mga night stick o batuta. “Makinig, mga kabayan,” sigaw sa megaphone ng barangay captain, “bibiglain natin ang mga aswang na ‘yon! Saka natin sabay-sabay dudumugin hanggang sa mamatay!” Sang-ayon naman ang lahat. Kaytatapang. Ang kanta nina Nat King Cole at Natalie Cole ang binabanatan ng mag-amang Mang Sotero at Shalina.

Una ang tinig ng magandang manananggal. “Unforgettable…that’s what you are…” Sinalo ng tinig ng kapreng bading. “An-pwur-get-twabol…in ebri-hwey…” Palapit na ang mga tao sa karaoke bar. Maingat ang mga hakbang, parang mang-a-ambush.

Malambing ang tinig ng magandang manananggal. “That’s why, darling, it’s incredible, that someone so unforgettable…”

Malandi ang boses ng kapreng bading. “…tinks dat ay em an-pwur-get-twabol tu-wuuu…” “ATTACK!” sigaw-utos ng barangay captain.

Sabay-sabay na silang sumugod sa loob ng karaoke bar.

Nagkagulatan.  Nabigla ang mag-amang manananggal at kapre; nayanig sa hitsura ng dalawang aswang ang mga tao. 

Pareho namang nakabawi ng hinahon. “SUGOD!”

“Itay, takbo sa likuran!  Dali ho!”

“Aray kwo! Binabambo akwo ng mga walanghiya, anak!”

Nabugbog na nang husto ang kapreng bading bago nailabas ni Shalinang manananggal. “Itay, ililipad ko kayo…kapit ho.”

“Mabigat akwo, anak…”  (ITUTULOY)

 

 

ARAY

BINABAMBO

BRVBAR

MANG SOTERO

NAT KING COLE

NATALIE COLE

SHALINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with