Ano ang Mangyayari sa Mundo? (2)
Ano kaya ang maaaring mangyari sa paligid kung ang taon ay nasa mga sumusunod na animal signs :
Year of the Tiger
Third animal sign sa Chinese Zodiac. Sinisimbolo niya ang East at Northeast direction. Magulo ang paligid kapag sumasapit ang year of the Tiger. Ang kaguluhan ay sanhi ng digmaan, natural or man made disasters.
Kadalasang nangyayari ang malalaking event (pangit o magandang pangyayari) sa year of the Tiger. Ito rin ang taon ng pag-aaway, siraan at tarayan ng bawat tao. Pinapayuhang huwag magsisimula ng negosyo sa year of the Tiger.
Year of the Rabbit
Fourth animal sign sa Chinese Zodiac. Sinisimbolo niya ang East direction. Pagkatapos ng magulong taon ng Tigre, isang payapang taon ang hahalili sa year of the Rabbit. Ang mga lumulutang na problema ay hindi gaanong seryoso kaya walang sense of urgency na lutasin kaagad ito. Ito rin ang taon kung kailan ang lifestyles ng mga tao ay casual at relax kaya hindi nangangailangan ng mabilis na pagkilos na parang laging may humahabol na aso. Kaya lang sa sobrang katahimikan at pagrerelax, ang tendency ng mga tao ay magpakatamad.
- Latest