Isinakay ang kabaong sa banca

Panaginip: Napa­naginipan ko na inilibing ang aking lola. Ang kabaong niya ay isinakay sa banca. Ang lahat ng nakikilibing ay nakasakay sa banca. Hanggang doon lang ang eksena at nagising na ako. Sa totoong buhay, malapit ang bahay namin sa seashore. At buhay pa ang lola ko.---Jodilyn

Interpretation: Ang libing ay nagpapahayag na may dadaluhan kang kasalan or promotion sa trabaho. Ang banca ay simbolo ng trabaho or workplace.Malaki ang pag-asang masolusyunan ang problema ng iyong lola or kung may sakit, gagaling na siya.

             

Show comments