PATAY na si Uncle Saro, natuluyan matapos maengkuwentro ang bading na kapre. Dinaluhan ito ng boy ng matanda, kasama ang asong si Foxy. Hindi malaman ng boy ang dapat gawin.
“Tatang Saro, bakit kayo basta namatay? Malayo ho tayo sa kapitbahay, wala ang kasambahay natin—puro ho naging aswang…â€
Takot lumabas ng bahay ang boy at ang aso; sa dilim ay wala silang kalaban-laban sa mga aswang.
“Hu-hu-huu. Tatang Saro, hindi kayo dapat ngayon namatay.â€
ANG kapreng baÂding, si Mang Sotero, ay nakaupo sa ibabaw ng simboryo—sa libiÂngang pampubliko.
Hindi alam ng kapreng bading na namatay sa takot sa kanya si Uncle Saro. Pero alam na niyang siya ay kapreng bakla at si Mameng na misis niya ay pamangkin ni Uncle Saro.
Tumututol ang kalooban ng kapre sa bago niyang katauhan. Gigil na gigil siya sa masamang diwata. “Papatayin kita sa ginawa mo sa’kin, Adwani!â€
Hindi alam ni Mang Sotero kung ano na ang nangyari sa kanyang mag-ina; kung pati ang mga ito ay nabiktima ng sumpa ni Adwani.
“Hu-hu-hu-huuu.†Merong humahagulhol sa di-kalayuan. Napalingon dito ang bading na kapre.
Nakatago sa likod ng simboryo ang sinumang umiiyak na iyon. Na-curious ang kapre, unti-unting nilapitan iyon.
Nagulat-natakot sa nakita. “Aaaahh!â€
Aswang na umiiyak. “Hu-hu-hu-huuu.â€
Na nainsulto sa kapreng bading. “Gago ka, mas nakakatakot ang itsura mo kesa sa’kin!â€
Nabosesan ni Mang Sotero ang aswang. “M-Mameng…?â€
“S-Sotero, i-ikaw ba ‘yan?â€
Nagyakap ang mag-asawa. Hindi na kailaÂngang sabihin nila sa isa’t isa ang masaklap na sinapit.
Tumikwas ang daliri ni Mang Sotero. Tumaas ang kilay. “Ginawa akong bading na kapre ni Adwani. Grabe.â€
Bahagya nang pinansin iyon ni Aling Mameng. Iba ang iniiyakan nito. “Ang ating anak, Sotero, si Shalina… naging aswang din.â€
Nagmukmok sa itaas ng simboryo ang mag-asawa. (ITUTULOY)