Pera sa ilalim ng malaking bato

Panaginip: May nakita akong pera na nakasi­ngit sa malaking bato. Kapag hinigit ko ang pera, ito ay mapipilas dahil malaki at mabigat ang batong nakapatong dito. Kumuha ako ng bakal. Ito ang ipinangtulak ko sa bato para matanggal sa pagkakapatong sa pera. Nang bilangin ko ang pera, ito ay P1,700.---Eman

Interpretation : Matatanggal na ang mga bala­kid sa iyong buhay upang makamit ang tagumpay. Ang 1,000 ay nagpapahayag na matatalo mo ang iyong kalaban. Ang 700 ay nagsasaad na makakawala ka na sa nararanasang paghihirap.

Show comments