Oras ng Kalungkutan at Kabiguan

Sa Fengshui, may kulay at pattern na dapat gamitin sa isusuot na damit o kaya ay dekorasyon sa bahay para makalimutan ang malungkot na pangyayari.

Ano ang Kulay na nakapagpapasaya?

Bright Red—Ang bright red ay nagdudulot ng excitement sa kalooban at isipan. Green—Psychologically, ang green ay nagbibigay ng signal ng ‘growth and renewal’. Nalalaglag ang mga dahon ng halamang malapit nang mamatay. Ngunit kapag inalagaan sa dilig ng tubig, ito ay nabubuhay at sinisibulan ng mga berdeng talbos. That’s growth and renewal! Yellow—Ayon sa mga scientists, light increases optimism. Ipinagpapalagay na dilaw ang kulay ng sun. Ang sun na may sinag ay ginagawang simbolo ng kasayahan at kaligayahan.

Ano ang ‘Pattern’ na nagdudulot ng pag-asa? Ang chevrons, diamonds at triangles ay nagsasaad ng pag-asa, saya at inspirasyon na ipagpatuloy kung anuman ang ginagawa niya para maabot ang pangarap.

Show comments