^

Para Malibang

Walang halaga sa ina

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Mayet. Sa murang edad ay nagtrabaho na ako sa kagustuhang makatulong sa pamilya. Gusto ko kasing mailayo ang mga kapatid ko sa magulong buhay namin. Lasengga po ang nanay ko habang ang tatay ko naman ay sobrang bait, walang magawa. Dahil mahal na mahal ko ang aking pamilya nagsikap ako. Ang barung-barong naming bahay ay naipagawa ko, binilhan ko sila ng mga gamit at binigyan ng puhunan para sa negosyo. Kahit ngayon na may asawa na ako, tuloy pa rin ang pagtulong ko. Nauunawaan naman ito ng mapagmahal kong asawa. Ang napakasakit, ibinenta ng aking ina ang mga gamit para ipantustos sa kanyang bisyo. Nabalitaan ko rin na ang negosyo na ibinigay ko sa kanila ay wala na. Ang mga kapatid ko ay hindi na rin nag-aaral at tambay na lang. Nasasaktan ako dahil nabalewala lahat ng pagsisikap ko.

Dear Mayet,

Nakakalungkot na napunta sa wala ang iyong pinagsikapan. Sa kabila nito ay umiiral pa rin sa iyo ang puso ng isang mabuting anak at kapatid. Nanay mo lang naman ang ugat ng problema. Pero sa kabila ng kanyang ginawa, ang ina ay ina, mabuti man siya o masama. Ang mabuti’y isangguni mo siya sa isang pyschiatrist o psychologist. Tingin ko, she needs professional help dahil ang ikinikilos niya ay hindi na normal. Kausapin mo rin siya baka mayroon siyang suliranin na hindi n’yo nalalaman at idinadaan lang sa pag-inom ang problema. Kasama ang iyong ama at mga kapatid, iparamdam n’yo sa inyong ina na mahal n’yo siya at kailangan ninyo ang kanyang pagkalinga. Baka maantig ang kanyang puso at isip. Higit sa lahat, samahan mo ng panalangin. Naniniwala ako na diringgin ng Diyos ang dasal ng mga taong tulad mo na may mabuting hangarin para sa kanyang pamilya.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

DAHIL

DEAR MAYET

DEAR VANEZZA

DIYOS

HIGIT

ITAGO

KAHIT

KASAMA

KAUSAPIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with