‘Aswang family’ (7)

“NAINTINDIHAN mo ba ako, Greco? Kapag inilaglag mo ang pag-ibig ni Adwani, posibleng gaganti siya!” ulit ng ama ni Shalina.

Matatag ang pasya ni Greco. “Mang Sotero, magpapakasal po kami ni Shalina. Ang banal na kasal namin ang puputol sa interes sa’kin ng diwata. Si Adwani po ay kampon ng dilim.”

Napailing ang mga magulang ni Shalina. Laluna ang ina. “Kaylaking gulo nitong pinasok ninyo. Batambata pa kayo para mag-asawa…”

Walang alam sina Shalina at Greco kundi ang kanilang pagmamahalan. “Bahala na ho kaming magsikap ni Greco, Inay, Itay…”

Nagtitimpi ng galit ang ama. “Kundi nga lang napakarami mo nang ulit na nagalaw ang anak ko, Greco, hindi ako papayag makasal kayo.”

Sa mga sumunod na araw, iniwasan na nina Greco at Shalina ang kuweba sa Banal na Lupa, alam na iyon ang teritoryo ni Adwani.

Inasikaso nila ang requirements sa kasal. Hindi na muna nagtatalik.  “Irereserba natin sa honeymoon ang ating pananabik, Shalina.” SUMAPIT ang simpleng kasal sa simbahan. “Ikaw, Greco, tinatanggap mo bang maging asawa si Shalina…?”

Kasunod ay honeymoon, sa maliit na silid ng kubo. “Huwag ka nang matutukso kay Adwani, Greco, ipangako mo.”

Niyakap ni Greco ang magandang misis. “Hindi na makalalapit sa atin si Adwani. May basbas na tayo ng Langit, Shalina…”

Nagpatay na sila ng ilaw. Ang mga labi at katawan na ang hinayaang mag-usap sa dilim.

“Hu-hu-hu-huuu.”

Napaigtad ang mga bagong kasal, nasa tabi nila ang umiiyak.

Nagbukas ng ilaw si Greco. Napaurong sila sa nakita.  “G-Greco…a-ang diwatang malandi…”

“Si Adwani nga ‘yan, Shalina…a-ako’ng bahala…” “Bakit ka nagtaksil sa akin, Greco? Di ba sabi mo’y tayo nang dalawa?” Nasa mata ni Adwani ang poot. “Adwani, si Shalina ang mahal ko. Kasal na kami…”  Nagpahid ng luha ang bad fairy. “Oo nga, talo ako. Pero ikaw at ang pamil­ya ng babaing ‘yan, Greco—gagawin kong mga aswang!” ITUTULOY

 

 

 

 

 

 

           

           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

               

                 

 

 

 

 

 

 

 

Show comments