Aswang family (3)

NATANAW agad nina Shalina at Greco ang magandang babaing sumusuray habang nagla­lakad sa ulan.

“Para siyang matutumba, Shalina…tila hinang-hina.”

“N-napakaganda niya, Greco. Parang artista sa ganda…” Paalis na sila sa gubat, sinagasa na ang ulan.

“Pero bakit siya papunta yata sa gubat, Greco?”

Iba ang laman ng isip ni Greco. “Nakakaakit siya…naka-wet look, bakat ang k-katawan…”

Walang kamalay-malay sina Greco at Shalina, ang magandang dalagang basambasa rin sa ulan ay isang bad fairy—masamang diwata.

At kusang nagpakita sa kanila. “Kailangan, pang-award ang aking acting…I must seduce Greco.”

Grabe ang paghahangad ni Adwani sa binatang mortal; walang pakialam na ito ay may girlfriend na.

Biglang hinimatay kunwari si Adwani. “Uuuuunnn.”

Kitang-kita iyon nina Greco at Shalina.

Tinakbo agad ni Greco ang babaing nakalugmok, kasunod si Shalina.

“Miss, miss, napa’no ka?” tarantang tanong ni Greco, hindi malaman kung paano hahawakan ang babaing napaka-sexy at basambasa.

“Unnnn.” Unti-unting nagmulat ng mga mata si Adwani. Nakipagtitigan kay Greco, kita ang paghahangad sa binata.

Napalunok si Greco. Parang nag-aanyaya ang mga labi ng babaing napakaganda.  Tila sinasabing ‘hagkan mo ako, Greco’…

Bago pa namalayan ng binata, hinahagkan na niya nang buong init ang mga labi nito.

Nayanig si Shalina. “Greco, ano’ng ginagawa mo?”

Wala na sa sarili si Greco, tuloy ang paghalik—may kasama nang yakap sa dalagang nakahiga.

“Greco, itigil mo ’yan! Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo?” Galit na hinahatak na ni Shalina ang boyfriend.

Hindi maawat si Greco, pinagbabayo na ni Shalina.  Bog-bog-bogg.

“Greco, walanghiya ka! Napakataksil mooo!”

Si Adwani ay walang pakialam, nag-e-enjoy. 

(ITUTULOY)

 

Show comments